This is an opinion-based article.
If anything wrong has been written,consider.
Bato-bato sa langit..ang tamaan, easy lang! XD
HYPOCRISY
According to Wikipedia, Hypocrisy is the act of pretending to have beliefs, opinions, virtues, feelings, qualities, or standards that one does not actually have. Hypocrisy involves the deception of others and is thus a kind of lie.
Ito ay ang pagpapanggap sa mga bagay-bagay na hindi naman talaga tinataglay. Ito rin ay pagsisinungaling hindi lamang sa iba kundi sa sarili na rin mismo! Halimbawa, ang pagpapanggap na mayaman kahit hindi naman.
Sa Filipino slang, ito ay tinatawag bilang kaplastikan. Ang pagpapanggap na mabait pero sa kaloob-looban gusto ka ng sabunutan. Iyong wari mo'y nakangiti habang ikaw ay nagsasalita pero ang totoo gusto nya ng tape-an ang bibig mo. Iyong tipong mahal ka pero gusto ka ng isumpa. Higit sa lahat, iyong akala mo'y mabuting kaibigan pero pagpapanggap lang pala ang ginagawa.
Ikaw? Plastik ka ba?
May mga taong nagpapanggap na mayaman para maging "in" sa barkada. Na kailangan kasama sa mga lakaran o outing. Eh,ano namang gagawin mo kung hindi ka naman talaga mayaman? O pinanganak ka talagang anak-pawis? Kailangan ba magwala ka pa sa mga magulang mo o magsinungaling na may babayaran sa school para lamang makasama ka sa mga barkada mo?? Bakit hindi ka magpakatotoo at sabihin sa mga kaibigan mo hindi ka naman pinanganak na mayaman para laging makasama sa mga jamming o outing?! Eh, ano kung pagkatapos mong sabihin iyon ay layuan ka nila? Kawalan mo ba yun? Hindi kawalan iyon! Kung totoo silang kaibigan, mauunawaan ka nila. Hindi ang pinansyal na estado sa buhay ang basehan para magkaroon ka ng marami at tunay na kaibigan.
Halimbawang may mga kaibigan kang gumagawa ng mga bagay na hindi mo gusto katulad ng pagka-cutting classes, paninigarilyo at pag-iinom ngunit hindi mo naman sila magawang hikayating wag iyong gawin, lalayuan mo ba sila? Hindi mo sila kailangang layuan. Kung mahal mo sila, magagawa mong tanggapin ang kaibahan nyo sa isa't isa at tanggaping mahirap baguhin ang mga ganitong tao. Enjoyin mo lang ang sarili mo with them pero magpakatotoo ka sa sarili mo. Kung ayaw mo talagang magcutting classes, wag mong gawin. Kung ayaw mong manigarilyo, wag mong gawin. At kung ayaw mong uminom ng alak, huwag mo ring gawin. Sapat ng unawain nyo ang kaibahan ng isa't isa at igalang ito. Hindi dapat umabot sa puntong sila ang kumontrol sa iyo. Kung igagalang nyo ang isa't isa wala namang magiging problema. Afterall, hindi lahat tayo ay pare-pareho. Hindi mo kailangang lokohin ang sarili mo, ma-please lamang sila.
Sa lovelife, kung sukang suka ka na sa relasyon at di mo na matake, bakit hindi mo pa sabihin sa boyfriend o girlfriend mo na nais mo ng makipaghiwalay? Mas mabuti kung ipagtatapat mo ang totoo. Ayaw mo sabihin ang totoo kasi naaawa ka? Bakit sa tingin mo pareho kayong magiging masaya sa katotohanang "awa" lamang ang dahilan kung bakit tumatagal ang relasyon nyo? Kung hindi mo na siya mahal, mabuting sabihin mo na ng maaga. Ngunit sana, kumuha ka ng magandang tiyempo. Tamang panahon ngunit hindi nangangahulugan na sampung taon!!!! Baka naman umabot ng sampung taon kakahanap ng tiyempo.
Hindi mo kailangang magpanggap para lamang tanggapin ng lipunan. If you keep on pretending, sarili mo lang rin naman ang unang niloloko mo,eh. Sino ba ang magdadala nyan? Ikaw rin naman. As long as wala ka namang tinatapakang tao, bakit ka mahihiya? Eh sa yun ka! Hindi mo kailangang magpanggap na mayaman o may panlibre para magkaroon ka ng kaibigan. Hindi mo kailangang gumawa ng masama para lamang maging "in" ka. Hindi mo rin kailangang magpanggap na natutuwa ka gayung nilalait-lait ka na pala. Matuto ka ring magsalita para sa sarili mo. Subukan mong iexpress ang tunay mong nararamdaman sa maayos na paraan. Huwag naman sa paraang kala mo naghahamon ka na ng away.Be confident on who you are. The truth will set you free.
-p1nkxpark
Hey Guys !
ReplyDeleteUSA Fresh & Verified SSN Leads with DL Number AVAILABLE with 99.9% connectivity
All Leads have genuine & valid information
**HEADERS IN LEADS**
First Name | Last Name | SSN | Dob | DL Number | Address | City | State | Zip | Phone Number | Account Number | Bank Name | Employee Details | IP Address
*Price for SSN lead $2
*You can ask for sample before any deal
*If anyone buy in bulk, we can negotiate
*Sampling is just for serious buyers
==>ACTIVE, FRESH CC & CVV FULLZ AVAILABLE<==
->$5 PER EACH
->Hope for the long term deal
->Interested buyers will be welcome
**Contact 24/7**
Whatsapp > +923172721122
Email > leads.sellers1212@gmail.com
Telegram > @leadsupplier
ICQ > 752822040