BSED - Major in Social Studies
Agosto 11,2010
Reaksyon sa Pelikulang Lapu-Lapu
Buod
Ang pulo ng Mactan ay pinamumunuan ng magiting, matapang, makatarungan, matalino at may malasakit na pinunong si Rajah Lapu-Lapu (Lito Lapid). Dahil sa likas na yaman ng pulo, ito ay ninanais sakupin ni Rajah Humabon (Vic Vargas) na pinuno ng Sugbo at kanyang alagad na si Datu Zula (Roi Vinzon). Hindi mapagtagumpayan ni Rajah Humabon ang pananakop sa Mactan dahil ang mga tao sa isla , sa ilalim ng pamumuno ni Rajah Lapu-Lapu, ay nagkakaisa sa pagmamahal sa kanilang pulo.
Nakilala ni Rajah Lapu-Lapu si Bulakna (Joyce Jimenez) at hiningi ang kamay nito sa mga magulang sa pamamagitan na rin ng dote. Ang kanilang pagsasama ay tinanggap naman ng mga mamamayan ng malugod.
Ang panahon kung saan ang mga dayuhang nagmula sa Espanya sa ilalim ni Fernando Magallanes (Dante Rivero),isang Portuges ay dumating. Siya ay pinahintulutang maghanap ng bagong lupa na maaaring angkinin sa ngalan ng Espanya. Una nyang nakilala si Rajah Kulambo at nasakop ang Limasawa. Sumunod naman ang Sugbu na pinamumunuan ni Rajah Humabon. Sa ilalim ng Kristiyanismo, bininyagan si Rajah Humabon at kabiyak na si Hara Amihan na pinangalanang Reyna Juana. Tanda ng pagkakabinyag,binigyan ni Magellan ng Sto. Niño si Reyna Juana.
Ang pagpapasailalim sa mga Kastila na sumakop sa iba't ibang lupain at nagtataglay ng malalakas na armas ay sinamantala ni Rajah Humabon upang masakop ang Mactan. Binalaan man, hindi natinag si Lapu-Lapu at kanyang mga kasama sa mga dayuhan. Namatay si Magellan sa labanan at ito ang naging hudyat upang umatras ang iba pang mga Kastila.
Reaksyon
Ang pelikulang Lapu-Lapu ay nagpapaalala ng kagitingan at wagas na pagmamahal sa ating bayan ng ating mga ninuno. Ang pelikula ay nagmulat sa aking mga mata sa katotohanang ang mga Pilipino noong unang panahon ay handang magbuwis ng buhay para sa bayan ngunit kung ihahalintulad sa kasalukuyan ay tila bihira na lamang ang makakagawa ng ganitong uri ng kabayanihan. Makikita rin sa pelikula ang kaibahan ng pamumuhay, politika, batas at relihiyon noon na ibang iba sa panahon ngayon.
Kung aking ikukumpara sa kasalukuyan, nakalulungkot man, maraming mga Pilipino ngayon ang mas iniisip ang sariling interes kaysa sa kapakanan ng bayan. Sa politika, si Rajah Lapu-Lapu ay may malasakit sa kanyang nasasakupan kabaligtaran ng ilan sa ating mga politiko ngayon na sariling interes ang prayoridad, mga sariling bulsa ang pinupuno, at tila mas mahalaga pa ang mga bisitang dayuhan kumpara sa mga kababayan. Si Rajah Lapu-Lapu at kanyang mga kasama ay matapang at hindi natatakot sa kamatayan taliwas sa mga lider natin ngayon na napapalibutan ng maraming guwardya at takot na takot mabaril o mapatay ng sinumang nakakabangga. Mayroon namang matatapang na hindi ginagamit sa tama ang katapangan. Mga siga kung tawagin na kapag nakapatay ay hindi magawang panindigan ang pagkakasala.
Ang pamumuhay ng ating mga ninuno ay simple lamang, hindi tulad ngayon na magarbo o maluho. Nabubuhay sila noon dahil sa likas na yaman at pakikipagkalakalan ngunit ngayon, bukod sa likas na yaman ay marami na ring paraan para upang mabuhay dahil sa pag-unlad. Nakalulungkot lamang na kasabay ng pag-unlad ay ang pag-usbong ng mga hindi makatao at makatarungang pamamaraan upang kumita ng pera gaya ng pagbebenta ng droga, pagnanakaw, at prostitusyon. Nakakabahala para sa mga susunod pang henerasyon ang paglaganap ng bulok na sistema at paraan ng pamumuhay sa kasalukuyang panahon.
Ang batas noon, kung buhay ang kinuha ay buhay rin ang kapalit. Sa panahon ngayon, pera-pera ang labanan. Hindi ko nilalahat pero batid kong batid nyo ang realidad na nangangailangan ng pera para makamit ang hustisya. Kung wala kang pera, ano naman ang ibabayad mo sa abogado? Prutas? Gulay? Buko? Kung may pera naman ang kalaban, ilang buwan lang na makukulong at magbayad lang ng piyansa ay makakalaya na.
Noon ang mga tao ay sumasamba sa mga anito at inukit na kahoy ngunit dahil sa pananakop ng Kastila, lumaganap ang Kristiyanismo. Sa pelikula makikita ang mga malalaking kahoy na itinuturing na diyos ng ating mga ninuno. Mga inukit na kahoy at anito na pinaniniwalaang gumagabay kanilang pamumuhay at pakikipagdigma.
Ang mga tauhang nagsiganap ay angkop sa pelikula. Si Lito Lapid ay animo'y pinunong hindi magagapi sa kanyang tikas at si Joyce Jimenez naman ay tila Prinsesa. Lalo pa nilang binigyang kulay ang pelikula dahil sa mahusay nilang pagganap.
Ilan sa mga teknikal na aspeto ang hindi kapani-paniwala katulad ng tunog na ginamit sa tambuli. May mga dayalogo rin sa wikang Kastila ang hindi nabigyan ng pagsasalin kung kaya't hindi maintindihan kung ano ang mensahe ng nagsasalita. Hindi rin naging kaaya-aya ang wakas ng pelikula. Ang itali at ipahila sa kalabaw ang mga kamay at paa ng isang magiting at matapang na pinuno ay masasabi kong hindi kaiga-igayang wakas gayong wala namang nakatitiyak sa eksaktong sanhi ng kanyang kamatayan.
Bagamat may ilang hindi wasto sa pelikula, masasabi ko pa ring naging epektibo at malinaw ito sa pagpaparating ng magagandang mensahe tulad ng pagmamahal sa bayan at paggamit ng katapangan sa tamang paraan.

Hey Guys !
ReplyDeleteUSA Fresh & Verified SSN Leads with DL Number AVAILABLE with 99.9% connectivity
All Leads have genuine & valid information
**HEADERS IN LEADS**
First Name | Last Name | SSN | Dob | DL Number | Address | City | State | Zip | Phone Number | Account Number | Bank Name | Employee Details | IP Address
*Price for SSN lead $2
*You can ask for sample before any deal
*If anyone buy in bulk, we can negotiate
*Sampling is just for serious buyers
==>ACTIVE, FRESH CC & CVV FULLZ AVAILABLE<==
->$5 PER EACH
->Hope for the long term deal
->Interested buyers will be welcome
**Contact 24/7**
Whatsapp > +923172721122
Email > leads.sellers1212@gmail.com
Telegram > @leadsupplier
ICQ > 752822040
hi iwanna thank u personally Oatmeeal
ReplyDeleteIs this the best bitcoin casino? | Casinoowed
ReplyDeleteWe have a large range of 메리트카지노 Bitcoin Casinos, some licensed in Canada, 1xbet korean and some crypto-only online 인카지노 casinos and casino software. The majority of the bitcoin