Wednesday, June 2, 2010

Grand Chase PH Season 3

Grand Chase PH Season 3's First Day Review
by Pinkspark

Nagsimula ang Grand Chase Season 3 kaninang madaling araw(June 2,2010)..past 1 am. (Gising pa ko!hehe! Isa sa mga unang nakasilip ng Season 3!) Batid kong maraming manlalaro ang nag-aabang nito. May mga nainis at nadisappoint sapagkat masyado silang nagexpect na makakapaglaro na sila ng alas singko kahapon (June 1,2010-5pm) na unang inihayag na petsa ng pagbubukas ng Season 3. Dahil isa ako sa mga unang nakapaglaro,narito ang aking mga napansin sa unang araw ng Grand Chase PH Season 3.

1.Loading Page: After ng loading page,magdodouble sya..then malaki na yung screen ng log in page.

2.PVP: Mas madalas ang lag compared before.there are times na mawawala ung kalaban dahil na expel or nagclose ang gc nila.Madali na ring makareceive ng mga invitations sa PVP,and the other way around.

3.Stats: Mataas na ang stats but it doesnt mean na we're immortals.Mas lumambot ang mga characters.Kung first time mong maglalaro ng PVP sa Season 3,magugulat ka sa laki ng bawas ng kalaban sayo. Mas madaling pumatay at mas madali ring mamatay.

4.Sets: Mababa na ang stats ng mga naka-penguin set ngunit tumaas naman ang stats ng mga naka-gacha at kazeaase sets.Maging ang Bellium Accessories tumaas ang stats..ngunit kahit pa tumaas ang bigay na stats, mas lumambot naman ang mga characters hindi gaya noon.

5.World Map: Gumanda na ang World Map. ^_^ May 2 continents ang nadagdag - Atum at Archemedia.

6.Dungeon: Wala na ang loading page each time na matapos mo ang stage.After mapatay ng boss magkakaroon ng slow motion effect na tila dramatic ending.Gumanda na ang mga character na makikita mo sa story lalo na si Arme.(wui! favoritism?) . May 4 na new dungeons na ring pwedeng pasukin.

7.Dungeon Drops: Maraming drops sa dungeon dahil maraming coins. Para kang naglalaro ng Super Mario.^_^ After mong matapos ang dungeon,pipili ka ng reward mo sa 4 na treasure chests na wala noong mga nakaraang seasons.

8.Characters: Walang nadagdag na bagong character/s so dont expect na may sieghart ka ng kukunin pagpasok mo ng gcph server.

9.Items: Ang items ay nahahati na sa 4 na uri. Narerecognize sila sa kanilang mga kulay.White yung mga normal normalan lang,mabibili ng cash o gp. Yellow, yung mga limited edition items like Cheer Leader Costume . Blue naman ang Rare items katulad ng Kazeaase Set, at Violet ang sa Legendary items tulad ng Gacha Sets.

10.Title: May new titles na dahil sa mga bagong dungeons. Ang Grand Chase Legendary Title ay hindi nabura.

11.Bugs & Technical Issues: May mga pagkakataong nagsasara ng kusa ang Grand Chase kahit hindi naman sinasara/ ineexit. May mga notices na lumalabas tulad ng third party program kahit na tanging Grand Chase lang naman ang bukas na programa.



Anu't anuman ang naging resulta ng araw na ito ay magpasalamat pa rin tayo na umabot magpasahanggang ngayon ang Grand Chase PH. Hindi dapat tayo magsisihan sapagkat walang sinuman sa atin ang may gustong mangyari ang mga hindi magagandang kaganapan na nararanasan. Imbes na mahigh blood kayo at magalit, murahin ang kung sinumang gusto nyo, ay suportahan na lang natin ang mga taong nasa likod ng Grand Chase na nagsusumikap na mabigyan tayo ng maayos na laro. Hindi sa lahat ng panahon ay magiging perpekto ang ating paglalaro ngunit ang manisi ng ibang tao ay hindi magandang pag-uugali lalo pa't wala ka rin namang itinutulong sa sitwasyon.


~June 2,2010-8:56pm
ign: pinkspark