Napakaromantiko ng mga Pilipino. Kahit sa text, may nagkakatuluyan. Nagkakilala sa social networking sites, nakita ang picture, naging crush na. Nagkachat, nag-eyeball, ayun naging sila na. What I'm trying to say is ang laki na ng kaibahan ng panahon ngayon kung ikukumpara noon na ni dulo ng daliri ng babae ay hindi pwedeng hawakan or else kasalan na ang kahahantungan.
Normal na maramdaman ng isang tao ang umibig. Ang sarap sa pakiramdam pag-in love. Nariyan yung kinikilig ka kapag ngumiti siya sa iyo, ang mapangiti ka kapag binati ka nya at higit sa lahat ay iyong pakiramdam na gusto mo syang laging makita at makasama.
Pero ang topic ko ngayon ay para sa mga taong natatakot na mainlab o panindigan yung nararamdaman nila dahil sa takot na mareject o masaktan muli.
May mga tao na pag-in love, tahimik lang. Hindi sila basta-basta nag-eexpose ng nararamdaman not because natotorpe sila, ang totoo nyan, natatakot sila. Hindi sa taong nagugustuhan nila kundi sa idea ng rejection - kung anong magiging reaction pati na rin ang outcome kung sakaling magtapat sila ng tunay na nararamdaman. Natatakot silang masaktan at iwasan.
May mga taong nainlab at nareject. Ang resulta, nagda-doubt na sila sa sarili nila kung meron pa nga bang tao na magmamahal sa kanila. Mayroong nagmahal at niloko kaya ang daming negative thoughts ang nasa utak nila na parang sasaktan silang muli kaya kinukulong nila ang sarili sa pag-iisa.
They keep on building walls around them para hindi na sila masaktan at mareject. Ang akala nila solusyon ang walls na ginawa nila para di masaktan ng iba. Ang hindi nila namamalayan ay sila na mismo ang nakakapanakit sa sarili nila dahil nakakulong at nag-iisa sila. Gusto nilang may magmahal sa kanila pero sarado naman ang pintuan nila para magpapasok ng taong magmamahal sa kanila ng totoo. Sayang ang mga pagkakataon nilang namiss.
May mga tao naman na dahil sa pressure at mga problema sa buhay ay naging depressed and traumatized. Sila yung mga taong wounded inside so kung mabibigo pa sila sa pag-ibig, magiging sobrang lungkot nila to the point na pati sarili nila ay sinasaktan nila physically just to divert their emotional pain .
Well, hindi ko maaring sabihin na sila yung mga taong sobrang magmahal dahil hurting ourselves physically doesn't justify how much we really love someone. Hindi yun the more you hurt yourself, the more you love someone. Our personalities and perceptions vary depending on how our parents / guardians raised us, the atmosphere we have, as well as how we see and accept things / situations/ experiences that we encounter from time to time.
Even identical twins have differences. Magkakaiba tayo kaya nga nariyan ang mga taong friendly at gusto silang iopen sa mundo, of course, in a positive way. Mayroong gusto. May mga gusto at nagpapapilit lang. Mayroong naghehesitate dahil natatakot. Mayroong ayaw at gustong mapag-isa na lamang. Ang kailangan lang matiyaga at pasensyoso ka kung may mga kaibigang ganito. I'm not saying that they are sick but the point is they still feel the trauma at hindi pa sila fully recovered sa mga bitterness ng kanilang buhay. Some even started to hate the world and themselves kaya nga may nagsusuicide. Well, in the end, sila pa rin ang magdedecide kung anong path ang gusto nilang tahakin.
Malungkot mapag-isa. Kahit na anong gulo ng mundo. Kahit anong sama ng tao. Kahit anong salita ang naririnig mo. Hindi ito dahilan para isipin mo na hindi masayang mabuhay ng may minamahal at nagmamahal.
Paano mo makikilala, makakausap at makakasama ang magmamahal sa iyo, kung nagkukulong ka dyan? Kung natatakot kang magtapat, paano mo malalaman ang resulta?
Hindi lang ikaw ang nakaranas mareject at masaktan. Kung nakapag move on sila, kaya mo rin. Ikaw lang ang nag-iisip na hindi mo kaya sapagkat hindi mo matanggap.
WAKE UP!
It's time to break the walls around you!
It's time to reveal that you are existing!
Don't miss the opportunity to love and be loved!
Let me leave u these words...
It's always better to have found the
courage to love even if you lose it in
the end, rather than never found love
because you were too afraid of the
challenge.
Now, it's your decision whether you will love or keep yourself alone.
Monday, May 3, 2010
Saturday, May 1, 2010
Introduction
It's official!
0atmeal enters the world of blogging!
The reason why started making this blog is because I love to talk a lot things so naisip ko, why not make a blog? Who knows, baka may ibang taong interested sa mga pinagsasasabi ko?
I want to write what's on my mind and share it with other people. If they will appreciate then thank you! If they wont, I'll be fine. I am aware that I can't make everyone agree with me because we really can't please everyone. I will just sit down in front of my pc and enjoy typing everything I want to say.
Happy reading!
0atmeal enters the world of blogging!
The reason why started making this blog is because I love to talk a lot things so naisip ko, why not make a blog? Who knows, baka may ibang taong interested sa mga pinagsasasabi ko?
I want to write what's on my mind and share it with other people. If they will appreciate then thank you! If they wont, I'll be fine. I am aware that I can't make everyone agree with me because we really can't please everyone. I will just sit down in front of my pc and enjoy typing everything I want to say.
Happy reading!
Subscribe to:
Posts (Atom)